BACKGROUND OF BARANGAY
Taong 1949, ang lugar na ito ay kagubatan at ang naninirahan ay Mangyan, kalahok ng mga baboy-damo at mga tamaraw. Ang Barangay Orconuma at ang lugar na ito ay iisang lupain sapagkat ang Ilog ng Bongabong ay doon dumaraan sa Barangay Kaligtasan tinawag ng mga mangyan na Ariray ang lugar na ito. Dumating ang pagkakataon na may mga taong buhat sa Tablas, Romblon at Ilocos ang sumakop sa lugar na ito at silay nag-apply ng homestead. Nag-linis sila ng kagubatan at nakipagsapalaran sila sa malaria at iba sa kanila ay nangamatay sa sakit. Hindi sila nagsawa sapagkat naging maunlad ang kanilang pagtatanim dahil sa matabang lupa. Ang pamilyang ito ay ang Jarabe, Camacho, Morada, Contreras, at pamilya Luna na may pinakamalawak na lupain. Dahil sa malawak na lupain, ang kanilang pag-aari ay nangalap siya ng mga tao sa Ilocos upang siyay magtrabaho. Nabigyan niya nang kasiyahan ang mga tao sa pagpapatayo ng isang poso “artesyano” na siyang pinanggagalingan ng pinakamalinis na tubig sa buong lugar na ito. Dumami ang mga tao at pasaya ng pasaya ang lugar sa pagdaraos ng piyesta at ibat ibang kasiyahan. Sa kabila ng mga kasiyahan ay dumating ang bagyong “Wanda” na siyang naghiwalay ng Orconuma at ang lugar na ito dahil sa paglipat ng ilog ng Bongabongsa pagitan ng lugar na ito.
MISSION AND VISION
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Nullam congue tincidunt purus, ac feugiat eros ullamcorper eget. Nulla egestas massa ut lectus ornare pretium. In non metus a magna bibendum lobortis. In nulla enim, ultricies at lacinia at, consequat id quam. In tempor purus et nisi placerat vehicula. Maecenas in eleifend erat. Quisque vitae dui in ligula malesuada euismod.
POPULATION
CENSUS |
COUNT |
---|---|
Population | 0 |